--Ads--

CAUAYAN CITY- Nadagdagan pa ang bilang ng mga tulay na hindi madaanan sa lalawigan ng Isabela dulot ng tuloy tuloy na pag-ulan.

Hindi na madaanan ang over-flow bridge ng Kabisera Otso, San Antonio,Ilagan City maging ang ang temporary bridge sa may Binatacan river, Ilagan City ay naputol dahil sa malakas na agos ng tubig mula sa Abuan River .

Dalawang tulay naman sa Cauayan City ang hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan sa barangay Alicaocao na kinabibilangan ng Alicaocao Overflow Bridge at Murong brigde.

Maging ang Gucab Overflow Bridge sa Echague; Santa Maria Overflow Bridge at Cansan Overflow Bridge sa Santo Tomas, Isabela ay hindi na rin madaanan ng mga sasakyan.

--Ads--

Pinaalalahanan naman ng mga otoridad ang mga mamamayan na huwag piliting tumawid dahil mapanganib ang malakas na agos ng tubig.