--Ads--

CAUAYAN CITY– Isang lalaki ang natagpuang patay sa barangay Balintocatoc, Santiago City.

Iniulat ni Barangay Kagawad Domingo De Leon ng Barangay Balintocatoc sa Presinto Dos ng Santiago City Police Office na mayroon silang nakitang bangkay ng lalaki sa kanilang nasasakupan.

Kaagad na tumugon ang mga pulis at dito nakita ang isang lalaking wala nang buhay na nakasuot ng blue T-shirt, yellow shorpants at may brown-leather belt.

Tinatayang 5’6” ang tangkad at maiksi ang buhok.

--Ads--

Ang bangkay ng biktima ay nagtamo ng blackeye.

Nanawagan si Police Senior Inspector Cabaddu, Station Commander ng Presinto Uno ng SCPO sa mga mamamayang mayroong kaanak na nawawala na tignan ang bangkay ng lalaking dinala na sa isang punerarya.