--Ads--
SA JONES, ISABELA – Nadakip ang isang retiradong kawani ng pamahalaan da sa kinakaharap na kaso.
Ang dinakip ay si Wilfredo Mabbayad, tatlumpu’t siyam na taong gulang, isang balo at residente ng San Vicente , Jones, Isabela .
Isinilbi ng mga kasapi ng Jones Police Station kay Mabbayad ang warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 24 Echague, Isabela
Ang suspek ay nahaharap sa kasong two counts of Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act 7610 o Child Abuse Law.
--Ads--
Makakalaya pansamantala ang pinaghihinalaan kapag naglagak ng piyansang P/120,000.00.
Nasa pangangalaga na ng Jones Police Station ang suspek at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.




