--Ads--

CAUAYAN CITY – Umani ng papuri ang isang Indian National dahil sa pagtulong sa isang estudyanteng nawalan ng pera sa San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Adorna Magno ng Economic Enterprise Management Office kaniyang sinabi na narinig umano sa sound system ng Indian National na hindi na nagpakilala ang pag-iyak ng isang estudyanteng nagmamakaawang ibalik ng nakapulot ang kanyang perang nalaglag.

Dahil naawa ang Indian national sa mag-aaral ay pinuntahan niya sa Economic Enterprise Management Office.

Labis labis ang pasasalamat ng mag-aaral sa kagandandahang loob ng dayuhan na pinalitan ang kanyang nawalang pera.

--Ads--

Marami naman ang humanga sa ginawa ng dayuhan.

Ang nawalang pera ng estudyante ay nagkakahalaga ng P/500.00 at gagamitin sana pang medikal upang makapasok sa papasukang trabaho.