CAUAYAN CITY- Nadala sa pagamutan sa Kalakhang Maynila ang dalawang sakay ng cessna plane 152 RPC 1955 na bumagsak pagitan ng Pantabangan, Nueva Ecija at Maria Aurora, Aurora province.
Sa exklusibong panayam pa ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni Engineer Amado Nelson Egarge, PDRRMO ng Aurora, magkasunod na idinating ng mga rescue team sa Command Center sa Alnfonso Castaneda, Nueva Vizcaya ang pilotong si Captain Joseph Albert Galvan, 24 anyos at estudyanteng si Alexie Kaye Trinidad, 20 anyos, na residente ng Paranaque City .
Nilapatan anya ng paunang lunas ang fracture sa paa ni Trinidad habang nagtamo naman ng mga galos sa katawan ang piloto.
Matapos nito ay agad na inilipad patungong Maynila ang dalawa para sa karagdagang atensiyong medical.
Sinabi pa ni Engineer Egarge na inabot sila ng mahigit biente kuwatro oras na pagliligtas sa dalawa dahil bukod sa matarik ang lugar ay masama ang panahon sa lalawigan ng Aurora.




