--Ads--

CAUAYAN CITY -Mga pasaherong sakay ng apat na pampasaherong bus ang stranded ngayon dahil hindi makatawid sa tulay sa barangay Masaya Sur, San Agustin, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sangguniang Bayan Member Eddie Mayor na dahil sa paglaki ng tubig sa ilog ay umabot na ang tubig sa nasabing tulay.

Todo bantay ang mga kasapi ng San Agustin Police Station upang matiyak na walang magtatangkang tumawid sa nasabing tulay.

Kaugnay nito ay hindi na ring makalabas ang mga mamamayan sa Barangay Bautista.

--Ads--

Sinabi niya na binigyan na lamang nila ng pagkain ang mga stranded ang mga mamamayan at pansamantala silang nanunuluyan ngayon sa kanilang Municipal auditorium.

Samantala, mga pasahero ng tatlong jeep naman ang stranded ngayon dahil sa pagtaas ng lebel ng Cagayan River na sakop ng Barangay Pungpungan, Jones, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Pastor Benny Benito isa sa kanyang mga kaanak ang stranded.

Sinabihan anya niya ang mga sakay ng tatlong jeep na huwag nang tangkaing tumawid sa ilog Cagayan sa barangay Pungpungan at manatili na lamang sila sa Barangay Malannit.

Maari anyang umikot ang mga mamamayan sa Santiago City upang ligtas silang makarating sa kanilang mga tahanan.