--Ads--
CAUAYAN CITY- Nagkakaroon na ng paggulo ng lupa sa nasabing lalawigan dulot ng mga nararanasang tuloy tuloy na pag-ulan sa lalawigan ng Aurora.
Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni Engineer Amado Nelson Egarge, Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer ng Aurora na mayroon na ring naitalang pagguho ng lupa at ilang overflow bridges na rin ang hindi madaanan sa hilagang bahagi ng Aurora.
Tuluyan na ring naputol at hindi na madaanan ang tulay sa Dingalan, Aurora dulot ng malakas na agos ng tubig.




