--Ads--
CAUAYAN CITY – Tinanghal ng Association of the Government Accountant of the Philippines bilang Most Outstanding Accounting Office of the Phils. ang municipal Accounting Office ng Quirino, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Jossie Maria Juan ng Quirino, Isabela na tinanggap nila ang kanilang parangal bilang Most Outstanding Accounting Office of the Phils. sa lunsod ng Cebu.
Kasama nilang tumanggap ng parangal si Municipal Accountant Melita Paraguison ng Quirino, Isabela.
Sa buong region 2 ay sila lamang ang nakatanggap ng nasabing parangal.
--Ads--
Inihayag pa ni Punong-Bayan Juan na sa kabila na isa sila sa mga 4th class municipality sa bansa ay malaking karangalan sa kanilang bayan ang natanggap na parangal.




