CAUAYAN CITY – Posibleng may kinalaman sa pagnanakaw ang motibo sa pamamaril kagabi sa isang criminology student sa barangay San Fermin, Cauayan City.
Una nang napabalita na bibili lang sana sa isang tindahan ang biktimang si Rodel Bones,18 anyos, isang working student at residente ng Brgy. District III nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang pinaghihinalaan.
Nagtamo ng isang tama ng baril sa kanyang dibdib ang biktima na agad isinugod sa isang pribadong pagamutan subalit binawian din ng buhay.
Ang suspek na na tinatayang 5’6 ang tangkad at katamtaman ang pangangatawan ay nakasuot ng sweat shirt at maong pants.
Naniniwala naman ang mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na pagnanakaw ang isa sa posibleng motibo sa insidente.
Natuklasan na ang gamit na motorsiklo ng biktima ay pag-aari ng isang kasapi ng SOCO.
Pinag-aaralan na ang kuha ng CCTV camera na malapit sa pinangyarihan ng krimen.




