CAUAYAN CITY- Matapos ang anim na oras ay tuluyang nadakip ng mga kasapi ng Gamu Police Station ang dating Sundalo at dating Barangay Kagawad pumatay sa kanyang misis at nanghostage sa kanyang sarili sa Gamu, Isabela.
Naging pahirapan ang pagdakip ng mga pulis sa suspek na si Rolando Gabriel na pumatay sa kanyang misis na si Isabel Gabriel, 61 anyos kapwa residente barangay ng San Miguel Burgos, Isabela matapos silang magkaroon ng mainitang pagtatalo.
Matapos ang pagpatay sa kanyang asawa ay nagkanlong si Rolando sa kanilang simbahan sa Linglingay Gamu, Isabela.
Sa pagtugis ng pulisya sa suspek ay nagbantang magbaril sa sarili kapag siya ay dinakip.
Naging pahirapan ang negosasyon sa pagsuko ng pinaghihinalaan dahil maging ang mga opisyal ng barangay at punong barangay ay kumausap na kay Gabriel ngunit hindi nakumbinsing sumuko na lamang.
Hanggang sa magpasya ang kapulisan na magsagawa ng hakbang upang madakip ang suspek.
Habang nakikipag-negosasyon ang mga pulis ay mayroong palihim na ilang pulis sa pangunguna ni Police Senior Inspector Ricahrd Limbo ang gumamit ng cutter upang makapasok loob ng simbahan at madakip si Gabriel
Nakuha rin sa pag-iingat pinaghihinalaan ang Cal. 38 baril.
Dinala si Gabriel sa Gamu police Station kung saan siya kinakusap ng kapamilya bago ipasakamay sa Burgos Police Station matapos paslangin ang misis sa bayan ng Burgos, Isabela.




