--Ads--

CAUAYAN CITY – Sampong barangay ng San Mateo, Isabela ang nanatili sa kanilang puwesto bilang child friendly barangay.

Pinangungunahan ito ng Barangay Villa Fuerte, second place ang barangay San Andres, sinundan ng mga barangay ng San Manuel, San Ignacio, Barangay 4, San Roque, Malasin, Bella Luz, Marasat Grande at pumang-sampo ang barangay dos.

Taun-taon ay isinagawa ang nasabing parangal upang makita ang iba’t ibang proyekto para sa mga bata ng mga barangay.

Pangunahing tinitignan ng mga evaluators ay ang mga kinakain o meryenda ng mga batang mag-aaral at kapag nakitang may baon na junkfoods ay bawas sa points ng barangay.

--Ads--

Kinakailangan ding walang makikitang minamaltratong mga bata at lahat ng mga bata ay pumapasok sa paaralan.