--Ads--
CAUAYAN CITY – Nagpahayag ng kalungkutan ang Sangguniang Panlunsod ng Cauayan kaugnay sa pagkamatay ni Sangguniang Panlungsod member Alex Uy.
Sumakabilang buhay ang opisyal pasado 9:00 ng umaga (October 17, 2017) sa isang pribadong pagamutan.
Ayon kay SP member Edgardo Atienza, isinugod sa pagamutan ang nasabing opisyal tatlong araw na ang nakalipas matapos ma-comatose.
Napansin aniya ng ibang opisyal ang biglaang pagpayat ni SP member Alex Uy kaya nagpagamot sa ibat ibang ospital.
--Ads--
Bumuhos naman ang pakikiramay sa pamilya ng naturang city official.




