CAUAYAN CITY -Tinanggap na ng pamahalaang Lunsod ng Santiago ang parangal sa Malacanang na napanalunan tinanggap ng dalawang paaralan sa Santiago City.
Pinangunahan nina City Mayor Joseph Tan ang pagtanggap ng parangal matapos tinangahal bilang Eco-sustainable Management sa buong bansa ang Divisoria National High School kung saan nakatakdang maging kinatawan ng bansa sa Brunei sa 2018 ang Sta. Rosa Elementary School.
Nagwagi ang nasabing dalawang paaralan dahil sa kanilang pag-iimbak ng tubig tuwing umuulan na ginagamit nila bilang pandilig ng mga pananim, pag-recycle Ng mga raw materials tulad ng mga dahon na ginagamit bilang pataba sa kanilang mga pananim pananim na gulay at bulaklak.
Ang nasabing paaralan ay itinangahal din bilang Eco-sustainable Management noong nakaraang taon.




