CAUAYAN CITY – Naging daan ng pamahalaang bayan ang pagsasagawa ng barangay Competition upang malutas ang problema sa basura sa bayan ng Aurora.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Retired DepED Supervisor Irene Martin, ang Acting Consultant on Education ng Aurora, Isabela,, kanyang sinabi na upang matiyak na nasusunod sa sa Aurora ang pagpapatupad ng Republic Act 9003 (Eco-Solid Waste Management Act) ay napagpasyahan ng LGU-Aurora na magkaroon ng Barangay Competition kasama na ang lahat ng paaralan sa bayan.
Layunin ng barangay competition ay upang patuloy na magkaroon ng ugnayan ang mga paaralan at barangay sa pagpapaganda sa kapaligiran sa bayan ng Aurora.
Aniya maliban sa pagsusuri sa mga basura ay naging criteria rin sa paligsahan ang pagandahan ng barangay tulad ng maayos na drainage canal at mga ornamental at herbal plants sa bawat bahay at palibot ng barangay.




