CAUAYAN CITY – Bakas ang kasiyahan sa mukha ng mahigit 400 drug surrenderer ng cauayan city police station na nagtapos ngayong araw sa community based rehabilitation program.
Inihayag ng mga drug surrenderer ang kanilang kasiyahan matapos ang anim na buwan nilang sumailalim sa community based rehabilitation program ay natapos na rin.
Isa sa mga tokhang responder na itinago sa pangalang Lulu ang nagsabing matapos siyang sumailalim sa programa ay tuluyan na siyang nagbago at kinalimutan ang illegal na droga na walang magandang isinulot sa kanyang buhay.
Sa testimonya ni alyas Lulu, 2nd year college pa lamang siya nang masadlak sa paggamit ng illegal na droga at umamin na naging drug dependents sa loob ng tatlong taon.
Inihayag niya na nagbenta siya noon ng droga at nagkaroon pa siya ng suki na mga propesyunal tulad mga doktor, abogado, principal at iba pang indibidwal.
Inamin din ni Lulu na nagtago siya noon mula nang ilunsad ang giyera kontra droga lalo na at kaliwat kanan ang mga napapabalita na patayan at ang mga kadalasang biktima ay iniuugnay sa droga.
Dahil sa libreng alok na programa ng pamahalaan bumalik siya Cauayan City at niyakap niya ang pagbabago upang makaiwas sa masaman bisyo.
Pinasalamatan din niya si Pangulong Rodrigo Duterte at ang pamahalaang lunsod ng Cauayan hinggil sa programa ng gobyerno para sa mga drug addicts na gustong magbagong buhay katulad niya.
Sa mahigit apatnaraang drug surrenderer ng cauayan city police station na nagsipagtapos ngayong araw sa CBRP ay bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan matapos sumailalim sa anim na buwang programa.




