--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpatiwakal ang isang binata matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kasintahan sa Dubinan West, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Sr. Insp. Jose Cabaddu, Station 2 Commander ng Santiago City Police Office, sinabi niya na umuwi pa ang 24 anyos na binata sa kanilang bahay at naka-inuman pa ang kanyang ama.

Matapos makipag-inuman sa ama ay nagpaalam nang matutulog subalit nagulat na lamang ang ama nang matagpuan ang kanyang anak sa silid na nakabitin sa lubid.

Sinabi pa ni Sr. Insp. Cabaddu na lumabas sa kanilang pagsisiyasat na bago nagpakamatay ang binata ay nagkaroon ng hindi sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang kasintahan.

--Ads--

Maari anyang dinibdib ng binata nang hiwalayan siya ng kasintahan matapos ipalaglag ang dinadalang sanggol .

Sinisiyasat pa rin ng pulisya ang iba pang anggulo sa pagkamatay ng binata.