CAUAYAN CITY- Patuloy pa rin monitoring ng Echague Police Station sa mga nag-iingat ng baril kaugnay sa mahigpit na oplan katok na programa ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Insp. Ruben Martines, ang hepe ng Echague Police Station sinabi niya na patuloy pa rin sila sa pag-iikot sa kanilang area of responsibility upang hikayatin ang mga may baril na isuko na lamang ang kanilang mga hindi lisensyadong baril.
Aniya sa kanilang pagpupursige ay boluntaryo namang isinusuko ng mga mamamayan ang kanilang mga baril na waang lisensiya o nagpaso na ang mga lisensiya.
Samantala, nagpaalala ang hepe sa mga mamamayan na isuko na ang kanilang mga baril na walang lisensiya upang hindi sila maharap sa kaukulang kaso.




