--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilinaw ng pamunuan ng Burgos Police Station na walang naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at mga kasapi ng New People’s Army.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Insp. Manny Roger Enriquez, hepe ng Burgos Police Station na walang naganap na sagupaan sa kanilang nasasakupan.

Ginawa ng hepe ang paglilinaw kasunod ng kumalat na impormasyon sa social media kaugnay sa naturang usapin.

Ayon pa kay Sr. Insp. Enriquez, agad nilang ipagbibigay sa kinauukulan sakaling may maganap na engkwentro .

--Ads--

Umapela rin siya na huwag magpakalat ng maling impormasyon upang hindi magdulot ng pangamba sa maraming mga mamamayan sa Burgos,Isabela .