--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuang wala ng buhay ang isang lalaki matapos magbigti sa Batal, Santiago City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Insp. Rolando Gatan hepe ng Presinto Uno ng Santiago City Police Office, sinabi niya na nakatanggap sila ng impormasyon na mayroong umanong lalaking nakabitin gamit ang lubid at nang sila ay tumugon ay nakitang wala ng buhay ang di na pinangalanang lalaki

Sinabi pa ni P/Chief Insp. Rolando Gatan na isa sa kanilang tinigtignang anggulo ay ang pagkakaroon ng mental disorder ng lalaki.

Batay pa sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay wala naman umanong nakitang anumang palatandaan ng hematoma sa katawan ng biktima.

--Ads--