--Ads--
CAUAYAN CITY– Nakakulong na ang isang 19 anyos na binata na pinaghahap ng batas sa Roxas,Isabela.
Ang dinakip ay si Jeric Nuena, walang trabaho at residente ng Brgy. San Antonio, Roxas, Isabela.
Si Nuena ay dinakip ng mga kasapi ng Roxas Police Station sa pamumuno ng kanilang hepe na si P/Chief Insp. Denis Pamor at P/Chief Insp Alain Jericho Cuyopan ng CIDG-Isabela.
Nahuli ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Bernabe Mendoza ng Regional Trial Court Branch 23 Roxas, Isabela noong Nobyembre, 2017 dahil sa kasong dalawang bilang ng panggagahasa.
--Ads--
Agad dinala sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.




