--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang binata matapos saksakin ng kapwa helper sa barangay Tagaran.

Ang biktima ay si Jeren Abot, 19 anyos, isang manggagawa at residente ng barangay Tagaran at tubong Zamboanga City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan habang nag-iinuman ang biktima at ang sumaksak sa kanyang si Julius Villarin, 44 anyos, may-asawa at tubong Zamboanga City ay nagkaroon umano sila ng mainitang pagtatalo tungkol sa tagal nila sa pinaglilingkurang Junkshop.

Buong akala ng biktima ay matutulog na ang suspek matapos siyang iwan ngunit pagbalik ay bigla na lamang siyang sinaksak sa kaniyang tagiliran.

--Ads--

Kaagad naman siyang nakahingi ng tulong sa iba pang kasamahan at kaagad siyang isinugod sa pagamutan.

Hindi naman akalain ni Abot na magagawa ang pananaksak sa kanya ng itinuring niyang ama.

Ang biktima ay hindi na nagpatala pa sa himpilan ng pulisya matapos humingi ng tawad sa kanya ang suspek.

Si Abot ay nagpapagaling pa lamang sa pagamutan.