--Ads--

CAUAYAN CITY –Walang nakitang mga kontrabando ang pamunuan ng BJMP-Region 2 at PDEA-Region 2 sa isinagawang pagsusuri sa BJMP-Ilagan .

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jail Senior Insp. Jose Coloma ng BJMP Region, sinabi niya na ang kanilang isanasagawang pagsusuri sa lahat ng mga kulungan sa region 2 ay bunsod ng ipinapatupad na Oplan Linis Piitan kontra iligal na droga ay alinsunod sa kautusan ni Deputy Chief Administration Jail Chief Superintendent Deogracias Tapayan.

Sa kanilang isinagawang pagsusuri ay wala silang nakitang anumang uri ng kontrabando sa loob ng kulungan maging ng mga drug paraphernalia

Aniya sinimulan ang Oplan Linis Piitan noong Oktubre 2017 at pinaka huling tinungo upang inspeksyunin ang BJMP-Ilagan City.

--Ads--

Samantala nanawagan si Jail Senior Insp. Jose Coloma sa mga dumadalaw sa piitan na huwag subuking magpasok ng mga iligal na droga at makipag tulungan sa pamunuan ng bawat BJMP upang tuluyang magbago ang mga inmates dahil hindi rin umano sila magdadalawang isip na hulihin ang sinumang lalabag dito.