--Ads--

CAUAYAN CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos hampasin ng malaking bato sa kaniyang ulo kagabi sa barangay Divisoria, Santiago City

Ang biktima ay si Regan Calderon,29 anyos at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan pauwi na sana si Calderon kasama ang dalawang kaibigan ngunit nang mapansing nawawala ang cellphone ay kaniya itong mag-isang binalikan.

Pagbalik sa bahay kainan ay bigla na lamang hinampas ng suspek na si Romolo Villegas, nasa tamang edad at residente ng barangay Divisoria ang biktima ng malaking bato dahilan upang magtamo siya ng sugat sa ulo.

--Ads--

Isinugod sa pinakamalapit na pagamutan si Calderon ngunit dahil sa malubahang tinamong sugat ay kaagad siyang inilipat sa pagamutan dito sa Cauayan City.

Tumakas naman ang suspek matapos ang insidente ngunit kaagad din siyang nadakip ng mga kasapi ng Santiago City Police Office (SCPO) ng Presinto Uno.