CAUAYAN CITY – Puspusan ang pakikipag-uganayan ng pamunuan ng BJMP-Cauayan City sa ibat ibang Local Government Units sa kanilang nasasakupan upang mapalawig pa ang programa para sa mga bilanggo ng pasilidad.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jail Chief Insp. Romeo Villante, Jail Warden ng BJMP Cauayan City District Jail, kanyang inihayag na bukod sa kanilang proyekto may kaugnayan sa panaderya ay kanya ring isinusulong ang pagkakaroon ng maliit na tailoring shop.
Sa pamamagitan umano nito ay mapapakinabangan ito ng mga bilanggo habang hinihintay ang kanilang paglaya.
Ayon pa sa naturang Jail Warden, maganda rin ang resulta ng isinasagawa nilang paggawa ng parol ng mga bilanggo dahil dagsa ang nag-oorder sa kanila ng mga produkto.
May nakatakda ring programa ngayong kapaskuhan upang mabigyan ng kasiyahan ang kanilang mga bilanggo.




