--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpapatuloy pa rin ang ang pagsisiyasat ng San Mateo Police Station sa nasa likod ng pagnanakaw ng dalawang hita ng alagang baka na kinatay sa Brgy. San Marcos, San Mateo, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Chief Inspector Richard Gatan,hepe ng San Mateo Police Station na nagsasagawa sila ng pagsisiyasat upang matukoy ang mga pinaghihinalaan.

Ito ay makaraang matagal na ring walang naitatala ang pulisya na ninanakaw na mga malalaking alagang hayup na kinakatay at kinukuha lamang ang magustuhang bahagi.

Nauna nang naiulat na ilang bahagi ng baka kabilang ang dalawang hita ang ninakaw ng mga hindi pa matukoy na pinaghihinalaan.

--Ads--

Ang nagmamay-ari ng kinatay na baka na nakapastol sa gilid ng irigasyon ay si Ginoong Ernesto Miguel ng san Marcos, San Mateo, Isabela.

Nababahala na ngayon ang ilang magsasaka dahil muling sumalakay ang mga magnanakaw ng mga alagang hayup na kinakatay at kinukuha ang ilang bahagi nito