--Ads--

SA LUNSOD NG SANTIAGO – Patay ang isang kawani ng pamahalaan at isa ang sugatan makaraang magsalpukan ang kapwa motorista sa lansangan sa barangay Abra.

Ang namatay na sakay ng itim na Wave ay si Sevelyn Longayan, 34 anyos, may-asawa at residente ng Cabulay, Santiago City habang ang nakabanggaan na nagmaneho ng itim na TMX ay si Danilo Galialongo, 19 anyos, binata, magsasaka at residente ng Villa Carmen, Ramon, Isabela.

Sa pagsisiyasat ng Santiago City Police Office ang dalawang motorista ay parehong binabagtas ang City Road ng Barangay Abra sa magkasalungat na direksiyon.

Biglang nag-overtake sa sinusundang motorsiklo si Longayan subalit biglang sumalpok sa kasalubong na motorsiklong minamaneho ni Galialongo na nagresulta ng kanilang pagkatumba.

--Ads--

Ang dalawang tsuper ay dinala sa pagamutan subalit dahil sa matinding sugat na tinamo ni Longayan ay idineklarang dead on arrival sa pagamutan habang si si Galialongo ay ginagamot sa pagamutan.

Natuklasang walang driver’s license si Longayan

Nagkasundo ang magkabilang panig na hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima at sasagutin ng pinaghihinalaan ang gastusin sa pagpapalibing kay Longayan