--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng Roxas Police Station ang isang dalaga dahil sa kasong large scale recruitment at estafa.

itinago ang suspek sa pangalang April, 26 anyos, dalaga, isang call center agent at residente ng Luna, Roxas, Isabela.

Isinilbi ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Bernabe Mendoza ng Regional Trial Court Branch 23 Roxas, Isabela laban sa suspek dahil sa kasong large scale recuitment .

Bukod sa nasabing kaso ay mayroon pang kinakaharap na kasong three counts of estafa si April na mayroong piyansang P/30,000.00.

--Ads--

Walang inilaang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ng suspek sa kanyang kasong large scale recuitment.

Nasa pangangalaga na ng Roxas Police Station ang suspek at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.