CAUAYAN CITY- Hindi nagustuhan ng isang lalaki ang ginawang paghawak sa maselang bahagi ng katawan ng kinakasama, sanhi para saksakin at mapatay nito ang kanyang kainuman sa barangay Malvar, Santiago City.
Ang biktima ay si Danilo Pajariliaga, 53anyos, tsuper at residente ng Angoluan, Echague, Isabela
Ang suspek ay si Jimmy Suarez, 44 anyos, residente ng barangay Divisoria, Santiago.
Lumabas sa pagsisiyasat ng Station one ng Santiago City Police Office na nag-inuman ang bagong magkakilala nang makita ni Suarez na kinindatan at hinawakan bigla ni Pajariliaga ang maselang bahagi ng katawan ng kanyang kinakasama.
Dahil dito nagkaroon ng sagutan sa pagitan ng dalawa bago sinaksak ni Suarez si Pajariliaga gamit ang kutsilyong pinanghihiwa sa kanilang pulutan.
Nagtamo ng saksak sa dibdib si Pajariliaga na sanhi ng kanyang kamatayan.




