CAUAYAN CITY – Tatlong lalaki ang dinakip ng Tumauini Police Station dahil sa mga paglabag sa batas.
Unang dinakip ng pulisya si Ramil Timbang, nasa tamang edad at tubong Panggasinan.
Dinakip ang suspek matapos isumbong ng concerned citizen na nagpaputok ng baril.
Ang Cal. 38 baril ni Timbang ay walang lisensiya.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek.
Samantala, dinakip ang dalawang lalaki matapos lumabag sa Presidential Decree 705 (The Forestry Reform Code of the Philippines).
Nasabat sa pangangalaga nina Mario Cabaccan at Milo Tadeo, kapawa nasa tamang edad ang mga nilagareng kahoy sa barangay San Pedro, Tumauini, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Insp. Noel Magbitang, hepe ng Tumauni Police Station na nakakuha sila ng impormasyon sa isang concern citizen na magbibiyahe ng mga nilagareng kahoy na walang kaukulang dokumento.
Nakalagay naman sa minamanehong kulong-kulong ng pinaghihinalaan ang nasa 140 board feet na nilagareng kahoy.
Ang dalawang suspek ay nasa pangangalaga na ng pulisya habang ang mga nasabat na mga kahoy ay ipapapasakamay sa DENR.




