--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigpit na ipagbabawal ng pulisya hindi lamang ang firecrackers na nabibili sa mga tindahan maging ang paggamit ng boga ngayong Kapaskuhan.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Insp. Richard Gatan, hepe ng San Mateo Police Station, pupulungin nila ang mga opisyal ng bawat barangay para sa mahigpit na pagpapababawal ng boga at paputok sa kanilang nasasakupan.

Layunin nito na walang maitalang biktima ng paputok at boga ngayong pagdiriwang ng Pasko at sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Magugunitang noong nagdaang buwan ay may bata ang nasabugan sa mukha matapos gumamit ng boga.

--Ads--

Kaugnay nito ay patuloy ang paghikayat ng pulisya na gumamit na lamang ng mga noise-makers tulad ng torotot, kaldero, at iba pang gamit sa bahay para makaiwas sa anumang firework-related injury.