--Ads--
CAUAYAN CITY – Handa na ang 2 hektaryang lupain na pagtatayuan ng Isabela State University sa barangay Bugalion malapit sa Ramon Police Station.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Jess Laddaran, sinabi niya na nakipag ugnayan ang pamahalaang bayan ng Ramon kay Atty. Ricmar Aquino, Pangulo ng Isabela State University para sa ipapatayong State University.
Aniya nakapagdonate na ang LGU Ramon ng dalawang ektaryang lupa na pagtatayuan ng State University at naibigay na rin ang lahat ng mga kinakailangang papeles sa pag apruba ng kanilang kahilingan.
Sa kasalukuyan ay nasa ilalim pa lamang ng evaluation ang bayan ng Ramon ng Board of Regents ng Isabela State University.
--Ads--




