--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatakdang iparada ang 18 Christmas electric float sa Ilagan City para sa pagdiriwang ng pasko.

Ayon kay Ilagan City Information Officer Paul Bacungan dalawang linggong pinaghandaan ng lokal na pamahalaan ang selebrasyon ng pasko sa lunsod

Simula December 14-16, 2017 ay isasagawa ang mga Christmas Festivities.

Sa hapon ng December 14, 2017 ay parada ang 18 electric magical float na kinabibilangan ng iba’t ibang barangay at ahensya ng lunsod na magsisimula sa isang malaking mall hanggang Rizal Park.

--Ads--

Pagdating sa Rizal Park ay paiilawan ang mga malaking Christmas tree at Christmas lights.

Inaasahan pa ang gaganaping concert ng elementary student mula sa pribado at pampublikong paaralang sa Rizal Park at Christmas Bazar.

Sa gabi ng December 15, 2017 gaganapin ang concert para sa mga high school students at sa December 16, 2017 ay gaganapin naman ang Kabataan Christmas Concert na kinabibilangan ng mga schoolar ng LGU Ilagan City.