CAUAYAN CITY – Kakatawanin ng taga Ilagan City ang Isabela sa Miss Republic of the Philippines 2017.
Gaganapin ang Miss. Republic of the Philippine 2017 sa Enero 31, 2018 sa Maynila.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay 2012 Miss Ilagan April Liban ng Barangay Baculod , sinabi niya na hinikayat siyang lumahok sa nasabing patimpalak pagandahan ng isang hurado ng Ms. Ilagan.
Mapalad na nakapasa siya sa unang screening noong Agosto at final screening noong Nobyembre.
Ang Ms. Republic of the Philippine 2017 ay lalahukan ng dalawampong kandidata labing tatlo rito ang lokal na kandidata habang pito ang Fil-American Candidates.
Sinabi pa ni 2012 Miss Ilagan April Liban sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan na nakatakda siyang tumulak patungong Maynila upang daluhan ang charirty event at charirty gift giving.
Sakaling maiuwi naman ni BB Liban ang korona ay kakatawanin niya ang pagiging Global Ambassador of Tourism ng Pilipinas sa ibang bansa.
Tatanghalin namang Miss Luzon ang first runner up, Miss Visayas ang second runner up at Miss Mindanao ang third place at makakatanggap ng cash prizes at scholarship grant.




