--Ads--

Mahigit 10 may HIV ang sumasailalim sa gamutan sa Cauayan City

CAUAYAN CITY – Nasa 15 anyos hanggang 35 ang edad ng mga infected ng human immunodeficiency virus ( HIV ) sa Cauayan City.

Ayon kay nurse 1 Delia Gonzalbo, HIV coordinator at City Health Officer 1 na nakahimpil sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City kanyang sinabi na mababa pa rin ang awareness ng publiko sa kabila ng pagiging epidemya na nito sa Pilipinas.

Dahil dito, may libreng HIV screening ang ibibigay ng kanilang tanggapan hindi lamang para sa mga taga cauayan kundi maging sa mga kalapit na lugar

--Ads--

Ang HIV screening ay nagkakahalaga ng mahigit P/20,000.00 hanggang P/30,000.00 sa mga pribadong pagamutan kayat samantalahin ang libreng screening.

Kapag lumabas ang resulta at ito ay reactive, agad na isasailalim sa confirmatory sa treatment hub sa Tuguegarao City.

Sa buong region 2 ngayon ay dalawa lamang ang treatment hub na matatagpuan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at sa Tuguegarao City.

Pinaalala pa ni Nurse Gonzalbo na walang dapat ikatakot kapag natuklasang positibo sa HIV dahil may mga programa para sa mga infected ng sakit lalo na sa kanilang gamutan.

Nasa mahigit sampu ang nagpositibo ng HIV sa Cauayan City ngunit namumuhay sila ng normal dahil sa lifetime treatment na suporta ng pamahalaan.