CAUAYAN CITY– Natagpuang patay ang isang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa barangay Caloocan, Santiago City.
Ang natagpuang patay sa kanyang tahanan ay si Jesus Castro Santo, 51 anyos, walang asawa at residente ng nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, P/Sr. Insp. Jose Cabaddu Jr. ,Deputy Station Commander ng Presinto 2 ng SCPO na ang kasintahan ni Castro Santo na si Linda Martin ang nakakitang wala nang buhay ang biktima.
Nagtungo si Martin sa bahay ni Castro Santo upang bisitahin dahil hindi nito sinasagot ang kanyang text messages ngunit nagulat na lamang siya nang sarado ang buong kabahayan kaya nagpasya siyang buksan at dito nakitang wala nang buhay sa salas ng bahay.
Nakatakdang ipa-autopsy ang bangkay ng kanilang upang malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.




