--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang pinuno ng Danggayan Daguiti Mannalon iti Isabela (DAGAMI) dahil sa kasong bigong pagpatay.

Ang dinakip ay si Elmerito Pagulayan, 57 anyos, may-asawa, isang magsasaka at Pangulo ng DAGAMI San Mariano, Isabela.

Ang Warrant of Arrest sa suspek ay ipinalabas ni Judge Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18 Second Judicial region City Of Ilagan.

Makakalaya lamang si Pagulayan kapag naglagak ng piyansang P20,000.00.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang Adarna Pagulayan, maybahay ng suspek na maghahanap pa siya ng abogado ng mister upang makapaglagak ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan