CAUAYAN CITY– Mahigit pa ring ipinapatupad pangunahin na sa poblacion area ang curfew hour sa mga menor de edad.
Sinabi ng ilang opisyal ng barangay na binago nila ang pamamaraan ng kanilang pagpapatrolya o pagbabantay sa kanilang nasasakupan.
Inihayag ni Punong-Barangay Wilfer Clemente ng Barangay Kuwatro na mula 10:00 PM hanggang 3:00 AM ang kanilang pagbabantay.
Kapag 3:00 AM ay aalis na sa puwesto ang mga opisyal ng barangay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na magtutungo sa simbahan.
Hindi rin nila pinapayagan ang mga menor de edad na manatili hanggang 12:00 AM (midnight) sa kabila na panahon ng pasko.
Ipapatupad pa rin nila ang curfew hours 10:00 PM at kapag natapos na ang holiday season ay gagawin nilang hanggang 4:00 AM ang curfew hours.




