CAUAYAN CITY- Kinilala ng Philippine Information Agency (PIA) Region 2 ang naging ambag ng DZNC Bombo Radyo Cauayan sa pagpromote ng proyekto ng Association of South East Asian Nation (ASEAN) 2017 kaugnay sa kanilang adbokasya.
Isa ang Bombo Radyo Cauayan sa mga binigyan parangal ng PIA Region 2 na ginanap sa Tuguegrao City, Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PIA Regional Director Purita Licas, kanyang ipinahayag ang labis na pasasalamat sa Bombo Radyo Cauayan maging sa iba pang media entities dahil sa ibinigay na tulong para maipahayag sa publiko ang kahalagahan ng ASEAN.
Binigyan din pagkilala ang ilang mga lokal na pamahalaan at mga national agencies.
Ayon pa sa paliwanag ni Regional Director Licas, malaking tulong ang ASEAN para mapabuti ang industriya ng agrikultura, paglawak ng kalakalan, at pagpapabuti ng mga pasilidad sa trasportasyon at komunikasyon upang mapabuti ang buhay ng mga bansang kasapi ng asosasyon.
Nakikinabang din umano ang Pilipinas sa mga programa at kasunduan na ipinapatupad ng ASEAN partikular na ang mga inaangkat at inilalabas na produkto ng bansa.




