--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinuko ng dalawang mangangalakal ang kanilang baril sa Aritao Police Station sa Nueva Vizcaya habang papalapit ang pagsalubong ng bagong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Inspector Geovanni Cejes, Public Information Officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, kanyang sinabi na ang isang 9mm armscor at Cal. 22 revolver ay isinuko sa Aritao Police Station.

Sinabi pa ni Chief Inspector Cejes na ang pagsuko ng mga baril ng dalawang negosyante ay resulta umano ng kanilang maigting na kampaya kontra loose firearm at upang maiwasan ang indiscriminate firing sa pagsalubong ng bagong taon.

Anya mananatili sa pangangalaga ng himpilan ng pulisya ang mga nabanggit na baril habang inaayos ng mga may ari ang mga kaukulang dokumento.

--Ads--

Nanawagan pa si Chief Inspector Cejes sa mga mamamayang nagtataglay ng mga baril na nagpaso na o walang lisensiya na pansamantalang isuko habang inaayos ang mga kaukulang dokumento.