CAUAYAN CITY – Patay ang isang tsuper ng motorsiklo makaraang ma-aksidente sa Aritao,Nueva Vizcaya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, Kinilala ni Police Chief Inspector Geovanni Cejes, Public Information Officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office ang nasawi sa aksidente na si Franklin Soriano,39 anyos, residente ng San Juan, Taytay Rizal.
Anya patay ang biktimang si Soriano makaraang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa likurang bahagi ng sinusundan nitong 10 wheeler truck na minamaneho ni Joseph Russel miguel, 29 anyos ,may asawa at residente ng Isabela
lumalabas sa pagssisyat ng pulisya na hindi umano natantya ng biktima ang pagpapatakbo nito ng kanyang motorsiklo sa pakurbadang daan na sakop ng Aritao sanhi para sumemplang na nagsanhi ng kanyang kamatayan.




