--Ads--
CAUAYAN CITY- Masusing sinisiyasat ng San Mateo Police Station ang pinakahuling kaso ng pagnanakaw sa Brgy. Daramuangan, San Mateo, Isabela.
Ang huling pinagnakawan sa San Mateo, Isabela ay isang shop na nagtitinda ng mga kagamitan sa bahay, na pagmamay-ari ni Ferdinand Sendin.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, humigit kumulang P300,000 ang halaga ng mga kagamitan kabilang na ang cash sa mga natangay ng hindi pa nakikilalang mga suspek.
Mayroon namang guwardiya ang nasabing establisyemento habang ang video na nakuha ng CCTV camera ay nabura na batay sa pagsusuri ng mga pulis.
--Ads--
Inaalam na ng pulisya kung sino ang nakabura sa kuha ng CCTV Camera.




