--Ads--

CAUAYAN CITY – Tuyan nang sinampahan ng kasong grave slunder at light threat ang isang lalaki na nanggulo sa pamilya ng isang barangay kawagad sa Nabuan sa kasagsagan ng araw ng Pasko.

Ang akusado ay si Peter Lumaday, 32 anyos habang ang biktima ay si Brgy. Kagawad Joel Volante na kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Magugunitang noong bisperas ng Pasko ay lango sa nakalalasing na inumin nang magtungo sa bahay ng biktima si Lumaday kasabay ng kanyang panggugulo at pagbibitiw ng mga salita na nakasira umano sa pagkatao ng barangay kagawad.

Pinagbantaan pa umano ni Lumaday na papatayin ang asawa ng biktima.

--Ads--

Nakiusap ang biktima sa suspek na tumigil na at umalis na lamang subalit hindi sumunod si Lumaday.

Nag-usap ang dalawang panig sa himpilan ng pulisya at sinubukang makipag-ayos ang pinaghihinalaan sa biktima subalit desididong si Brgy. Kagawad Volante na sampahan ng kaso ang biktima.