CAUAYAN CITY- Tuluyan nang sinampahan ng kasong paglabag sa Republuc Act 10591 ( Comprehensive firearms and ammunition regulation act ) ang dalawang lalaki na nangggulo sa isang burol sa barangay Patul,Santiago City.
Ang mahaharap sa kaso ay sina Ruben Barangan at Edmundo Tadios, kapwa 42 anyos, mga tsuper at kapwa residente ng Patul, Santiago City.
Mayroong tumawag na concerned citizen sa Presinto Dos ng Santiago City Police Office upang ipaalam na mayroong nanggugulo sa burol ng kanilang kaanak.
Agad tumugon ang mga pulis at nadatnan ang mga suspek at nakuha sa pag-iingat ni Barangan ang Ca. 45 na mayroong 8 bala at nagpaso na ang lisensiya.
Nagsimula ang kaguluhan matapos hipuan ni Tadios ang isang dalaga.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawa at bukod sa kasong paglabag sa Republuc Act 10591 ay desidido rin ang dalagang magsampa ng kaso laban kay Tadios.




