--Ads--

CAUAYAN CITY – Tuluyang naibalik sa isang kawani ng pamahalaan ang kanyang pitaka na naglalaman ng P/8,000.00.

Itinuturing na marangal sa bayan ng San Mateo ang nakapulot ng pitaka na si G. Noel Pataho, isang tsuper ng tricycle at residente ng Villafuerte, San Mateo, Isabela

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Pataho na naghatid siya ng pasahero sa Cauayan City at sa kanyang pag-uwi ay nakapulot siya ng pitaka na naglalaman ng mahigit na walong libong piso at iba’t ibang card.

Sa kanyang paghalungkat sa nilalaman ng pitaka ay natuklasan niyang pagmama-ari ito ng isang kawani ng pamahalaang Lunsod ng Cauayan na si Bb Joyce Talosig

--Ads--

Nakipag-ugnayan ang tsuper ng tricycle sa reporter ng Bombo Radyo Cauayan na nakipag-ugnayan din sa Pamahalaang Lunsod ng Cauayan at naipalam sa may-ari ang napulot na pitaka.

Labis labis naman ang pasasalamat ni Talosig nang maisauli sa kanya ang pitaka.

Si G. Noel Pataho ay kabilang sa mga mamamayan ng San Mateo na nakakapulot ng pera at isinasauli sa mga may-ari