--Ads--
CAUAYAN CITY – Hinikayat ng hepe ng Dupax Del Sur Police Station sa Nueva Vizcaya ang publiko na mag-ingat sa mga kawatan.
Ito ay kasunod nang nangyaring nakawan sa tanggapan ng isang Cooperatiba kung saan natangay ang mahigit P300,000.00
Sinabi ni P/Chief Insp. Jovelita Aglipay , hepe ng Dupax Police Station na huwag basta na lamang iwanan ang mga tahanan ngayong bakasyon.
Aniya mas mabuti umanong siguraduhing nasa ligtas sa mga kawatan ang mga mahahalagang gamit.
--Ads--
Hinikayat niya ang mga mamamayan na kung maaari ay ipatago pansamantala sa kanilang himpilan ang ibang maiiwanang pera at bibigyan ng resibo upang maging katibayan na may pinatago silang pera sa nasabing himpilan ng pulisya.




