--Ads--

CAUAYAN CITY – Magpapatayo ng multi-level parking space sa susunod na taon upang malutas ang suliranin ng illegal parking pangunahin na pag sumasapit ang holiday season sa Santiago City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni City Mayor Joseph Tan na pinondohan nila ng sampong milyong piso ang ipapatayong Multi-level parking space.

Isa anya sa nakikita ng City Engineering Office na solusyon sa suliranin ng illegal parking ay ang pag-demolish sa nasunog at luma nilang coliseum upang mapagtayuan ng multi-level parking space.

Bukod sa gagawing parking space ay gagawin ding plaza ang itaas na bahagi nito at magkakaroon ng commercial space para sa mga mangangalakal.

--Ads--

Inihayag pa ni City Mayor Tan na kinakailangan nilang madaliin ang nasabing proyekto sa susunod na taon upang mawala na ang kanilang suliranin sa illegal parking na nagdudulot ng pagsisikip ng daloy na trapiko.