--Ads--

CAUAYAN CITY -Hiniling ng Santiago City Police Office (SCPO) na tulungan sila ng mga nakilahok ng namalikmata program na puksain ang mga natitirang gumagamit ng ilang na droga.

Humigit kumulang pitung daan na mga drug surrenderer na sumailalim sa namalikmata program ang lumahok sa panghuling araw ng yearend evaluation ng 37 barangay .

Sa ibinigay na mensahe ni P/Senior Supt. Percival Rumbaua, City Director ng SCPO ay kanyang inihayag ang kasiyahan dahil marami na ang unti unting nagbabagong buhay at hindi na gumagamit illegal na droga.

Sa pagbabalik ng kampanya kontra droga ng PNP ay kanyang inihayag na nais niyang makuha ang tulong ng mga nagbagong buhay na mga drug respondents upang mapuksa ang ipinagbabawal na droga sa Lunsod.

--Ads--

Layunin nitong maging drug cleared na ang lahat ng barangay sa lunsod ng Santiago.

Pinayuhan ng SCPO ang mga drug surrenderer na iwasan nang gumamit at magbenta ng illegal na droga dahil tiyak na sila rin ay mahuhuli at masasampahan ng kaukulang kaso.