CAUAYAN CITY – Sinisiyasat na ng pulisya ang mga itinuturing na persons of interest na posibleng may kinalaman sa pagpatay sa isang security officer ng bangko.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo sa Cauayan City Police Station, tukoy na nila ang mga tao na posibleng nasa likod sa pagpaslang sa biktimang si Jimmy Paderlina na residente ng Brgy. Marabulig Uno.
Gayunman, tumanggi muna ang pulisya na pangalanan para sa karagdagan imbestigasyon ng kaso.
Natukoy ang mga persons of interest sa pakikipag-ugnayan ng mga imbestigador sa ilang kamag-anak ng nasabing biktima.
Kung magugunita ay pinagbabaril-patay ng mga suspek ang biktima habang sakay ng kanyang Toyota Wigo malapit sa tulay sa Marabulig Uno.
Patay ang biktima matapos magtamo ng tama ng bala ng kalibre kwarentay singkong baril.
Umiikot ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad may kaugnayan sa trabaho ng biktima.




