--Ads--

CAUAYAN CITY -Naka-full-alert na ang hanay ng militar sa Isabela sa pagsalubong ng bagong taon sa kabila ng pagdedeklara ng unilateral ceasefire ng pamahalaan at mga rebeldeng New Peoples Army ( NPA ).

Sa segment na Bombo Military reports ng Good Morning Philippines inihayag ni Sergeant Erol Navata ng 86th Infantry Batallion Phil. Army na sa kabila ng pagdedeklara ng unilateral ceasefire ng mga kasapi ng NPA ay patuloy pa rin ang kanilang pananabotahe sa mga vital installation ng Gobyerno at paglikida sa tropa ng pamahalaan.

Halimbawa nito ang panghaharass sa kampo ng mga CAFGU sa lalawigan ng Cagayan noong pasko na nagdeklara ng unilateral ceasefire ang mga rebelde.

Inihayag pa ni Sergeant Navata na mahigpit ang kautusan ng kanilang AFP Chief Of Staff na manatiling alert ang mga sundalo nasa kampo man o nasa kanilang bahay.

--Ads--

Nanawagan din siya sa mga mamamayan na makipagtulungan at iulat sa kanila ang mga may kani-hinalang galaw sa kanilang mga lugar.