CAUAYAN CITY – Nakapagtala ang Quirino Police Provincial Office ng dalawang biktima ng depektibong firework sa buong lalawigan ng Quirino.
Ang unang biktima ay isang menor de dead na nagsindi lusis ang 13 anyos ngunIt sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla itong sumabog at tumama sa kanyang mukha.
Nagresulta ng pamumula ng kanyang mata at pagkakaroon ng galos sa mukha.
Ang pangalawang biktima ay 36 anyos na gumamit ng kwitis.
Habang sinisindahan niya kuwitis ay agad umano itong pumutok na nagresulta ng pagkakatamo ng sugat sa kanyang daliri..
Agad dinala sa pagamutan ang mga biktima para sa karampatang lunas.
Mayroong 11 anyos na batang lalaki mula cordon,Isabela ang dinala sa Quirino Province Medical Center upang lapatan ng lunas ang nasunog na malaking bahagi ng mukha .
Ang bata ay nag-ipon ng mga pulbura ng mga paputok na kanyang sinindihan na sanhi ng malaking sunog na ikinasunog ng kanyang mukha.




